last year sinarado ko ang blog kong
My Orange Vest, na naisagawa noong taong 2009 alala nyo un? hindi na siguro. binura na ng nakaraan.. tagal din pala nun. anyway, bakit ko nga ba sinarado un? hindi ko rin alam eh. siguro pakiramdam ko lang nung mga panahon na yun eh kelangan ko lang talaga ng pagbabago.. o siguro naman sobrang bored lang ako nun. ewan.
pero pagkatapos kong isarado yun.. nagbukas ako ng panibago at etong blog na 'to ang naging resulta. gusto ko sya.. simple. hindi magulo. chill lang. sadyang mabilis lang talaga tumakbo ang panahon. parang may karera lagi sa sobrang bilis. 1st birthday ng blog na 'to, kaya
Happy Birthday! dahil sakin ka nanggaling, ako syempre dapat ang unang babati sa'yo. sana tumagal pa 'to ng maraming maraming taon. as in marami. sana din madagdagan ang followers nito. sa ngayon dalawa pa lang sila.. tatlo kasi naawa ako sa blog ko kaya nag-follow na din ako (hindi krimen sundan ang sariling blog) haha. dati kasi sa My Orange Vest meron din akong follow chu-chu. di ko alam bakit hindi ko nilagyan 'tong blog na 'to nung ginawa ko last year. engot lang. anyway, tatatlo nga lang kasi kakalagay ko lang ulit a few days ago. todo explanation ako, bakit ba?
Highlights of my 2012:
- passed all the required tests for my teaching credential
- received my teaching license (chaching!!)
- got a new teaching job - now currently teaching a 4th grade class..and i'm also the teacher in the computer lab for now (boss status!!)
- met new incredible people
- survived another 365 days
super cool lang mga highlights ng 2012 ko, pero hindi ibig sabihin na hindi ako dumaan sa mga matinding pagsubok.. roller coaster ride ang 2012 para sakin--both physically and emotionally. physically kasi lagi akong nahahawa sa sipon ng mga estudyante ko. ngayon medyo immuned na. emotionally kasi marami din nangyaring hindi kanais nais sa buhay ko. ganunpaman, i'm 365 days older and 365 days wiser.
Goals and Objectives
- stay positive, as difficult as it may be
- keep spreading more love
- heal wounds (naks may ganitong effect? arte.)
nag back-read ako ng mga January 1st posts ko dun sa My Orange Vest. komedi lang ang dating. dami ko rin palang bitter posts nung mga nakaraang taon. kaartehan. ganon.
ang dami kong sinabi, eto lang naman talaga gusto kong iparating..
in the name of chikletz, i declare everyone to have a fantastic 2013!!!