Subbing

kay bilis talaga ng panahon. akalain mong malapit na palang mag April. anyway, this month i started working again in the education field. i work as a substitute teacher. so far super enjoy naman ako. madali lang kasi ang trabaho tapos gusto ko pa yung ginagawa ko. at syempre naman sobrang mas okay ang sweldo kesa sa video store, which i am still doing. para naman may weekend gig kahit papano. gas money din yun. kumbaga yung nakukuha ko dun, yun na yung allowance ko. the rest, for my bills and for my future needs. naks. talagang may ganon? ok din tong substitute teaching gig eh, i get to experience all grade levels from Kinder to 8th grade. high school di ko kakayanin. nung nag sub ako for an 8th grade class, after 3 hours with them, alam kong di ko kakayanin. mas makukulit pa kesa sa mga maliliit na bata.

anyway ulit, nabanggit ko dito sa blog ko before na may dalawang test ako na kelangan i-take at ipasa in order for me to get my permanent teaching license. so far i've taken the first one. next month ko pa malalaman ang resulta (namaaannn..major gudlak!) at yung pangalawa next month na din kelangan i-take. hayyy parang walang katapusan. pag napasa ko both i can apply for my teaching credentials, then hopefully get an actual teaching job (which is sobrang hirap sa bansang itoh at the moment! omg.). pagkatapos nun, i can have my own classroom. yes! well, sana pumasa muna.

yun lang muna ang update. babush!

2 comments:

  1. goodluck sa exam mo:) matindi ang respeto ko para sa mga guro. kung hindi dahil sa kanila, hindi ako natuto magbasa, baka hindi ako nakakablog ngayon :)

    ReplyDelete
  2. mabuhay ang mga teachers!=D

    makakapasa ka nyan sis. go go go lang. wala akong tyaga sa pagtuturo kaya hanga ako sa mga teacher. as in. =D

    ReplyDelete

keep it friendly :)