Banyo Queen

ang tanda tanda ko na, nadudulas pa ko sa banyo. langya. sakit sa pwet!
pag-apak na pag-apak ko sa tub, nadulas ako. buti na lang di tumama ulo ko.
pero shieeeetttt, sa puwet talaga. sa left butt cheek. haha! bukas may pasa na 'toh.

natawa na lang ako eh. nakakahiya sa sarili..

ouwie.

At Work

walang magawa. all i do at work is watch movies. i eat, too. this is the life. haha. it can get boring though, but it's okay. i'd rather be bored than tired. harhar! anyway, i work part-time at a video rentals store. pinoy at american movies ang pinaparenta namin. it's located in a filipino plaza. katabi ang Seafood City, Valerio's, Mabuhay Kitchenette, Jollibee, Chow King, Red Ribbon, Grill City, at marami pang iba. ibig sabihin karamihan sa customers ko ay mga pinoy. masaya kasi maingay, magulo, at saka kumportable. iba-ibang klaseng pilipino ang nakakasalamuha ko pag nandito ako sa trabaho. nakakatawa nga eh.

family
  • kasama ang mga maiingay at makukulit na mga bulilits na kumukuha na lang bigla ng candies at syempre ipapaalala ko sa mga parenthoods na bayaran yung candy na kinuha ng anak nila 
  • mag-asawang di makapag-desisyon kung action film ni jackie chan o ang labteam nila sarah at gerald ang  rerentahin nila
  • ang anak na gustong rentahin lahat ng anime
maangal
  • "magkano?! $2.25?!" 
  • "bakit due agad bukas? di ba pwedeng sa makalawa na?"
  • "hindi ko napanood kagabi eh. pakiextend naman ng one day."
     me: sige po. $2.25 po ulit."ha?! ganun ba? sige wag na lang. 
  • "ang tagal ng service. susme! wala naman tayo sa Pilipinas."
     me: ay teka lang po. mag-isa lang po ako eh (at hindi lang po kayo ang customer dito).
  • "bakit wala pa yung pinareserve kong movie? kagabi pa yun, hanggang ngayon di nyo pa 'ko  tinatawagan."
    me: nako pasensya na po. mahaba po kasi ang listahan ng reservation eh (hindi ka nag-iisa sa listahan).
  • mahaba pa ang listahan na 'to. pinaikli ko lang. 
manyakis looks
  • matanda
  • lonely sa buhay
  • amoy yosi
  • matagal sa x-rated section ng store
  • kung makatitig sakin.. eek!
barkada
  • marami
  • magulo
  • sobrang tagal sa store
  • nag-aaway away sa kung anung movie ang rerentahin. nakakatakot o komedy film? kasi bawat movie na ma-suggest ng isa eh panigurado at least isa sa kanila ay napanood na.
  • sama-samang pumasok sa x-rated section at dun sila lalong nag-iingay sa lakas ng tawa.
pasosyal
  • dala ang either real or fake bag na LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pang mamahaling bag.
  • may simple lang 
  • meron din maraming suot na bling bling
  • refer to maangal section
nurse/medical field
  • laging last minute mag-rent. di tuloy ako makapag closing ng maaga.
  • naka scrubs uniform
  • dala din ang name brands na bag (LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pa). most likely hindi na fake.
  • haggard look
mayabang
  • pinagmamalaki ang movie collection nya.
  • wala daw ba kaming blu-ray movies for rent kasi ayaw nya daw quality ng dvd. fine. (dahil puro dvd players pa din gamit ng masa kaya dvds and pinaparent out namin). 
mga di marunong tumingin sa movie sections at magbasa ng movie descriptions
  • "miss anung bago movies?"
     me: ah marami po (sabay sabi ng mga new movie titles).
    "ah..tungkol saan ung movie na un? maganda ba un? anu un barilan? anu un drama? anu un komedi? anu un bold? (gahhhh!!!)
nakakatuwang isipin kasi kahit iba-iba ang mga pagkatao at attitudes nila at kinabbwisitan ko ang iba sa kanila, eh hindi lang nila alam na they all have something in common. they all like to watch the same tagalog films. Praybeyt Benjamin, No Other Woman, Won't Last A Day Without You, at marami pang iba. 

wala lang. share ko lang. 

Ang Babae

buwan buwan na lang! laging sumasakit. nakakapanghina tuloy. buti na lang day off ko. buti na lang pwedeng mag relax. pero grrr.. tipong buong katawan ko eh nababalot ng painful sensashunsss. ampf! ang dami kong pwedeng gawin eh. hayy.

anywhoo, i was out of state the last three days. medyo nagrerecover pa from my mini vacation. nagpunta kami sa Las Vegas--the sin city. i won a whoppin' $50! yeaaahhh..that's how i roll! 

putek ang sakit talaga. mamaya na nga. kabitin mag blog. gaaah!!

Geek

being an android phone owner adik lang ako sa paghahack ng phone ko. haha! oras at pawis ko ang nauubos. pero super enjoy naman ako. dami kong natutunan at nakakatulong din naman 'toh sa pagpapalipas ng oras ko (extended ang bakasyon). pangalawang phone ko na 'to na na-hack ko, kaya feeling ko eh napaka-geeky ko na. dami kong natutunan na terminologies saka codes. parang matrix lang. weh? uber customizable kasi ang android. nadagdagan internal space ko. bumilis sya. saka iniba ko na rin ung customizations. yay!

anyway, napaka senseless ng post na 'toh. excited lang talaga akong ipagyabang na na-hack ko phone ko. haha! 

any other android users out there? 

Minsan

it's the 16th of the first month of the year. gusto kong magsulat pero walang maisip sa mga oras na toh. sana maya-maya may pumasok na sa utak ko.

(makalipas ang ilang minuto)

ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?

gusto kong magbigay ng halimbawa sa sarili kong buhay kahit medyo alangan ako. alangan dahil personal na masyado. pero ayos lang para magampanan ng personal blog ko ang purpose nya sa buhay.

halos tatlong dekada na akong nabubuhay at sa loob ng maraming taon, marami na rin nabuong pagsasamahan, pagkakaibigan, at pagmamahalan (naks). punong-puno ng tawa, saya, alkohol, karaoke, chibugan, lihim, luha, murahan, at problema ang naging kwento ng barkada. umandar ang buhay habang sama sama at lumago ang samahan. tumibay ang kapit sa isa't isa. lumaki ang tiwala. nasa kasagsagan ang pagkakaibigan. masaya lahat kahit may problema kasi may karamay.

pero patuloy ang pag andar ng buhay. dumami ang responsibilidad ng bawat isa, pero tila kumonti ang oras sa isang araw, isang buwan, isang taon. nagbago ang ihip ng hangin. naging mas malamig. naging tahimik ang bawat gabi. paunti-unting humina ang tawanan, lumungkot, kumonti ang bote ng alkohol, nasira ang karaoke machine, naubusan ng pulutan, kumonti ang lihim na natutuklasan, nawala ang murahan, dumami ang problema--hanggang tatlo na lang kayong nagtititigan, dalawa na lang kayong kumakampay, at mag-isa ka na lang nagmumukmok sa kwarto mo.

habang tumatakbo ang oras, nagbabago ang paniniwala. nadadagdagan ang kaalaman. may ibang mabilis gumanda ang buhay, may ibang walang pagbabago, at may ibang pilit ibinabalik ang nakaraan hanggang yun na lang and nagiging mundo nila. di maiiwasan ang maging mahina habang ang iba'y palakas ng palakas. magbabago na ang pananaw tungkol sa isa't isa. mag-iiba ang opinyon tungkol sa iba't ibang bagay. di maiwasang magkumparahan ng estado sa buhay. magkaka-inggitan, magkaka-inisan. hiwalayan ang hantungan.

ang dating barkada mo na walang pwedeng tumibag sa tibay ng kapit, ay guguho din pala.

ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?

How To

Survive A Break-Up by Petra Mahalimuyak

superjaid, this one's for you :)
and for everyone else who might need this.

Banjo

just because..my rabbit is one of the awesomest living things that God created.
always hungry, but sheesh, very picky with food. spoiled sa parents ko as in!

Friday the 13th

the most unfortunate day. does anything bad really happen? i hope not. as a kid i'd always be stuck at home because my grandma would never let me out of the house. so and so might happen according to her. well, i never left the house so i never found out if anything unfortunate could have really happened. wala lang. naisip ko lang..

lam ko na kung anong malas. may tigyawat ako sa kilay. sa kilay! WTH?!

While On Break

since i'm done with school, i've just been waiting for my degree to get processed so i can finally start applying for jobs. dun dun dun dun!!! but i still have to pass those two tests so that i can get a permanent job. review will start in february. i'm really disappointed with myself kasi naman sa daming tests na kinailangan kong i-take yung last two yung talagang pinaglaanan ko ng oras at talagang inaral ko. kasi yung ibang tests di ko inaral saka nag procrastinate pa 'ko. siguro yumabang lang ako at feeling ko eh ipapasa ko talaga. haha! nakarma..bagsak tuloy. kainis.

so ngayon extended na naman ang bakasyon ko. may part-time job naman kahit papano. sarap ng buhay...weh?! hehe. tambay tambay lang muna. iwas gastos. mega tipid mode talaga ngayon. dami kong planong gawin at puntahan this 2012. eh kung wala akong trabaho pano ko naman magagawa yun. gudlak diba.

so dahil nakabakasyon nga ako ngayon. napagtuunan ko ng pansin si Budoy. oo ung show na Budoy. katuwa eh. pinagpupuyatan ko pa talaga kasi di ko naman alam ung show na 'yun til recently lang. nabanggit lang sakin nung kaibigan kong patay na patay kay Gerald. so ayun Budoy marathon hanggang kagabi nahabol ko na ung pinaka latest na episode.

aside from Budoy, i'm reading a book called Up the Down Stair Case by Bel Kaufman--about halfway done. yay! i've also been spending time with poy and that's always a good thing.

despite my current situation, there are still more good things than bad.

Whatta

fail! welp..of all the tests i could have failed, yun pang last two tests. bakit ganun? nakaka depress. nakakapanghina.

here's to another challenge i have to face. hayy.

i miss my students.

The Girl at the Video Store

kaloka. 11 hours akong nagtrabaho today. no complaints kahit ganun pa man--kesa naman walang trabaho diba. saka extra money din tong extra gig ko. the more gigs the better kaya rumaraket ako ng bonggang bongga. since nakagraduate na ko, hinihintay ko na lang ma-clear ung transcripts ko para makakuha pa ko ng mas maraming raket. excited na ko!

namimiss ko na ung mga ibang active bloggers dati..san na kaya sila? busy din siguro sa buhay buhay.

sana maging mas malawak pa ang pag-iisip ng mga tao..wala lang. random thought lang. dami pa din kasing makikitid ang utak.

Goals and Objectives

wow it's day 2 of 2012 already. how our days go by quickly! last year was full of great things, though i'm not saying that it didn't consist of heartaches and heartbreaks, because it did. however, we shouldn't delve into the ugly events of the past. negativity takes up more energy than its opposition sooo.. this year's goal is to stay positive.

last year's goal was to be even more brilliant (walang kokontra), which i thought was a success. i met my 2011 objectives and on my way to meeting those objectives i learned quite a handful. i'm eager to learn more because "knowledge is power" sabi nga nila. unfortunately, i did have one goal that i did not get to meet--blog more often. becoming more brilliant took up majority of my time and energy, therefore blogging had to be put aside for a little while.

during the last four months of 2011, i was required to take three major tests associated with my future career. i passed one of them. the results of the other two will be revealed in four days. i am feeling very anxious, but excited at the same time. no matter the results, i just have to stay positive. my future plans depend on the results of those two tests and they will be life-changing plans. good luck!

i hope everyone had a good new year's day celebration.
here's to the auld lang syne!

2012 Happy New Year

happy new blog! it has been forever..bakit ba?! anyway, i'm here to start anew, hence the new blog. i've been waiting for this year to come, not because of the rumored end of the world, but because i feel it will be a really good year and good things will happen.

here's a few of the good things 2011 gave me and that i'm very grateful for:
  • good health for me and my family
  • to see Lady Gaga in concert
  • a trip to the Philippines
  • a boyfriend
  • a new job
  • to see Pacquiao and touch his guns (proud pinoy eh)
  • my Bachelor's Degree
although i had a super busy 2011, it was my year and i hope 2012 will be the same. 

cheers everyone! have a wonderful 2012! magpasabog na!
time to start my blog attack!