walang kinalaman 'tong entry na toh sa lovelife ko pero kung gusto nyong i-konek. fine.
tipong depress ka dahil sa kung anumang rason at gusto mong makabangon--gusto mong maging ok, pero wala kang lakas. maghahanap ka ng kausap pero wala kang mahanap. sa facebook paulit ulit naman. sa twitter ganun din. unless na gusto mong i-announce sa buong mundo ang problema mo, pwede mong takbuhan ang fb at twitter, pero kung hindi naman public ang emoshit mo, eh gudlak na lang. kaya ba ung ibang tao eh it takes them years to recover from a personal tragedy or disaster..? siguro nga.
sa tingin ko ay hindi naman ganun kabigat ang bumabagabag sakin. siguro dahil iba to sa mga naging problema ko kaya iba rin ang nagiging epekto sakin. normally ay positive akong tao. hindi ako nagpapaapekto sa sinasabi ng mga tao. maapektuhan man eh, usually ok na ko pagkatapos ng ilang araw. this time, iba eh. hindi ako mapakali.
anyway, sana lumipas na.




