Banyo Queen
pag-apak na pag-apak ko sa tub, nadulas ako. buti na lang di tumama ulo ko.
pero shieeeetttt, sa puwet talaga. sa left butt cheek. haha! bukas may pasa na 'toh.
natawa na lang ako eh. nakakahiya sa sarili..
ouwie.
At Work
family
- kasama ang mga maiingay at makukulit na mga bulilits na kumukuha na lang bigla ng candies at syempre ipapaalala ko sa mga parenthoods na bayaran yung candy na kinuha ng anak nila
- mag-asawang di makapag-desisyon kung action film ni jackie chan o ang labteam nila sarah at gerald ang rerentahin nila
- ang anak na gustong rentahin lahat ng anime
- "magkano?! $2.25?!"
- "bakit due agad bukas? di ba pwedeng sa makalawa na?"
- "hindi ko napanood kagabi eh. pakiextend naman ng one day."
me: sige po. $2.25 po ulit."ha?! ganun ba? sige wag na lang. - "ang tagal ng service. susme! wala naman tayo sa Pilipinas."
me: ay teka lang po. mag-isa lang po ako eh (at hindi lang po kayo ang customer dito). - "bakit wala pa yung pinareserve kong movie? kagabi pa yun, hanggang ngayon di nyo pa 'ko tinatawagan."
me: nako pasensya na po. mahaba po kasi ang listahan ng reservation eh (hindi ka nag-iisa sa listahan). - mahaba pa ang listahan na 'to. pinaikli ko lang.
- matanda
- lonely sa buhay
- amoy yosi
- matagal sa x-rated section ng store
- kung makatitig sakin.. eek!
- marami
- magulo
- sobrang tagal sa store
- nag-aaway away sa kung anung movie ang rerentahin. nakakatakot o komedy film? kasi bawat movie na ma-suggest ng isa eh panigurado at least isa sa kanila ay napanood na.
- sama-samang pumasok sa x-rated section at dun sila lalong nag-iingay sa lakas ng tawa.
- dala ang either real or fake bag na LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pang mamahaling bag.
- may simple lang
- meron din maraming suot na bling bling
- refer to maangal section
- laging last minute mag-rent. di tuloy ako makapag closing ng maaga.
- naka scrubs uniform
- dala din ang name brands na bag (LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pa). most likely hindi na fake.
- haggard look
- pinagmamalaki ang movie collection nya.
- wala daw ba kaming blu-ray movies for rent kasi ayaw nya daw quality ng dvd. fine. (dahil puro dvd players pa din gamit ng masa kaya dvds and pinaparent out namin).
- "miss anung bago movies?"
me: ah marami po (sabay sabi ng mga new movie titles).
"ah..tungkol saan ung movie na un? maganda ba un? anu un barilan? anu un drama? anu un komedi? anu un bold? (gahhhh!!!)
Ang Babae
Geek
Minsan
(makalipas ang ilang minuto)
ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?
gusto kong magbigay ng halimbawa sa sarili kong buhay kahit medyo alangan ako. alangan dahil personal na masyado. pero ayos lang para magampanan ng personal blog ko ang purpose nya sa buhay.
halos tatlong dekada na akong nabubuhay at sa loob ng maraming taon, marami na rin nabuong pagsasamahan, pagkakaibigan, at pagmamahalan (naks). punong-puno ng tawa, saya, alkohol, karaoke, chibugan, lihim, luha, murahan, at problema ang naging kwento ng barkada. umandar ang buhay habang sama sama at lumago ang samahan. tumibay ang kapit sa isa't isa. lumaki ang tiwala. nasa kasagsagan ang pagkakaibigan. masaya lahat kahit may problema kasi may karamay.
pero patuloy ang pag andar ng buhay. dumami ang responsibilidad ng bawat isa, pero tila kumonti ang oras sa isang araw, isang buwan, isang taon. nagbago ang ihip ng hangin. naging mas malamig. naging tahimik ang bawat gabi. paunti-unting humina ang tawanan, lumungkot, kumonti ang bote ng alkohol, nasira ang karaoke machine, naubusan ng pulutan, kumonti ang lihim na natutuklasan, nawala ang murahan, dumami ang problema--hanggang tatlo na lang kayong nagtititigan, dalawa na lang kayong kumakampay, at mag-isa ka na lang nagmumukmok sa kwarto mo.
habang tumatakbo ang oras, nagbabago ang paniniwala. nadadagdagan ang kaalaman. may ibang mabilis gumanda ang buhay, may ibang walang pagbabago, at may ibang pilit ibinabalik ang nakaraan hanggang yun na lang and nagiging mundo nila. di maiiwasan ang maging mahina habang ang iba'y palakas ng palakas. magbabago na ang pananaw tungkol sa isa't isa. mag-iiba ang opinyon tungkol sa iba't ibang bagay. di maiwasang magkumparahan ng estado sa buhay. magkaka-inggitan, magkaka-inisan. hiwalayan ang hantungan.
ang dating barkada mo na walang pwedeng tumibag sa tibay ng kapit, ay guguho din pala.
ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?
Friday the 13th
lam ko na kung anong malas. may tigyawat ako sa kilay. sa kilay! WTH?!
While On Break
so ngayon extended na naman ang bakasyon ko. may part-time job naman kahit papano. sarap ng buhay...weh?! hehe. tambay tambay lang muna. iwas gastos. mega tipid mode talaga ngayon. dami kong planong gawin at puntahan this 2012. eh kung wala akong trabaho pano ko naman magagawa yun. gudlak diba.
so dahil nakabakasyon nga ako ngayon. napagtuunan ko ng pansin si Budoy. oo ung show na Budoy. katuwa eh. pinagpupuyatan ko pa talaga kasi di ko naman alam ung show na 'yun til recently lang. nabanggit lang sakin nung kaibigan kong patay na patay kay Gerald. so ayun Budoy marathon hanggang kagabi nahabol ko na ung pinaka latest na episode.
aside from Budoy, i'm reading a book called Up the Down Stair Case by Bel Kaufman--about halfway done. yay! i've also been spending time with poy and that's always a good thing.
despite my current situation, there are still more good things than bad.
Whatta
fail! welp..of all the tests i could have failed, yun pang last two tests. bakit ganun? nakaka depress. nakakapanghina.
here's to another challenge i have to face. hayy.
i miss my students.
The Girl at the Video Store
kaloka. 11 hours akong nagtrabaho today. no complaints kahit ganun pa man--kesa naman walang trabaho diba. saka extra money din tong extra gig ko. the more gigs the better kaya rumaraket ako ng bonggang bongga. since nakagraduate na ko, hinihintay ko na lang ma-clear ung transcripts ko para makakuha pa ko ng mas maraming raket. excited na ko!
namimiss ko na ung mga ibang active bloggers dati..san na kaya sila? busy din siguro sa buhay buhay.
sana maging mas malawak pa ang pag-iisip ng mga tao..wala lang. random thought lang. dami pa din kasing makikitid ang utak.
Goals and Objectives
last year's goal was to be even more brilliant (walang kokontra), which i thought was a success. i met my 2011 objectives and on my way to meeting those objectives i learned quite a handful. i'm eager to learn more because "knowledge is power" sabi nga nila. unfortunately, i did have one goal that i did not get to meet--blog more often. becoming more brilliant took up majority of my time and energy, therefore blogging had to be put aside for a little while.
during the last four months of 2011, i was required to take three major tests associated with my future career. i passed one of them. the results of the other two will be revealed in four days. i am feeling very anxious, but excited at the same time. no matter the results, i just have to stay positive. my future plans depend on the results of those two tests and they will be life-changing plans. good luck!
i hope everyone had a good new year's day celebration.
here's to the auld lang syne!
2012 Happy New Year
- good health for me and my family
- to see Lady Gaga in concert
- a trip to the Philippines
- a boyfriend
- a new job
- to see Pacquiao and touch his guns (proud pinoy eh)
- my Bachelor's Degree
time to start my blog attack!


