At Work

walang magawa. all i do at work is watch movies. i eat, too. this is the life. haha. it can get boring though, but it's okay. i'd rather be bored than tired. harhar! anyway, i work part-time at a video rentals store. pinoy at american movies ang pinaparenta namin. it's located in a filipino plaza. katabi ang Seafood City, Valerio's, Mabuhay Kitchenette, Jollibee, Chow King, Red Ribbon, Grill City, at marami pang iba. ibig sabihin karamihan sa customers ko ay mga pinoy. masaya kasi maingay, magulo, at saka kumportable. iba-ibang klaseng pilipino ang nakakasalamuha ko pag nandito ako sa trabaho. nakakatawa nga eh.

family
  • kasama ang mga maiingay at makukulit na mga bulilits na kumukuha na lang bigla ng candies at syempre ipapaalala ko sa mga parenthoods na bayaran yung candy na kinuha ng anak nila 
  • mag-asawang di makapag-desisyon kung action film ni jackie chan o ang labteam nila sarah at gerald ang  rerentahin nila
  • ang anak na gustong rentahin lahat ng anime
maangal
  • "magkano?! $2.25?!" 
  • "bakit due agad bukas? di ba pwedeng sa makalawa na?"
  • "hindi ko napanood kagabi eh. pakiextend naman ng one day."
     me: sige po. $2.25 po ulit."ha?! ganun ba? sige wag na lang. 
  • "ang tagal ng service. susme! wala naman tayo sa Pilipinas."
     me: ay teka lang po. mag-isa lang po ako eh (at hindi lang po kayo ang customer dito).
  • "bakit wala pa yung pinareserve kong movie? kagabi pa yun, hanggang ngayon di nyo pa 'ko  tinatawagan."
    me: nako pasensya na po. mahaba po kasi ang listahan ng reservation eh (hindi ka nag-iisa sa listahan).
  • mahaba pa ang listahan na 'to. pinaikli ko lang. 
manyakis looks
  • matanda
  • lonely sa buhay
  • amoy yosi
  • matagal sa x-rated section ng store
  • kung makatitig sakin.. eek!
barkada
  • marami
  • magulo
  • sobrang tagal sa store
  • nag-aaway away sa kung anung movie ang rerentahin. nakakatakot o komedy film? kasi bawat movie na ma-suggest ng isa eh panigurado at least isa sa kanila ay napanood na.
  • sama-samang pumasok sa x-rated section at dun sila lalong nag-iingay sa lakas ng tawa.
pasosyal
  • dala ang either real or fake bag na LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pang mamahaling bag.
  • may simple lang 
  • meron din maraming suot na bling bling
  • refer to maangal section
nurse/medical field
  • laging last minute mag-rent. di tuloy ako makapag closing ng maaga.
  • naka scrubs uniform
  • dala din ang name brands na bag (LV, Gucci, Coach, at kung anu anu pa). most likely hindi na fake.
  • haggard look
mayabang
  • pinagmamalaki ang movie collection nya.
  • wala daw ba kaming blu-ray movies for rent kasi ayaw nya daw quality ng dvd. fine. (dahil puro dvd players pa din gamit ng masa kaya dvds and pinaparent out namin). 
mga di marunong tumingin sa movie sections at magbasa ng movie descriptions
  • "miss anung bago movies?"
     me: ah marami po (sabay sabi ng mga new movie titles).
    "ah..tungkol saan ung movie na un? maganda ba un? anu un barilan? anu un drama? anu un komedi? anu un bold? (gahhhh!!!)
nakakatuwang isipin kasi kahit iba-iba ang mga pagkatao at attitudes nila at kinabbwisitan ko ang iba sa kanila, eh hindi lang nila alam na they all have something in common. they all like to watch the same tagalog films. Praybeyt Benjamin, No Other Woman, Won't Last A Day Without You, at marami pang iba. 

wala lang. share ko lang. 

14 comments:

  1. Matagal nakong hindi nakakapunta sa mga video rental stores.. hehe, sa internet nako napipirme eh. :p Hehe,, relate ako sa mmaangal. Ganun din kasi ako minsan. mareklamo talga. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. OA ka din ba magreklamo?! lol. wag naman sana.. hahaha!

      Delete
  2. hahahah mahal nga pag ieextend, parang rent pala ulit :)) tagal ko na di nakakapasok sa ganyan, umaasa na lang kasi ako sa mga torrent at dl ng mga kaopismate eh lol

    pareho pala tayo halos ng trabaho, nanonood din ako ng mga palabas eh ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ah talaga? i consider this job as being in the movie industry. hahaha! feeling lang.

      ako dati sa torrents din.. then i got this job. haha!

      Delete
  3. naimagine ko lahat. lalo na yung sa barkada. hahaha

    ReplyDelete
  4. sno bang latest film ngayon?! hehehe! puro kasi korean at japanese series and movies ang pinapanood ko! hehehe

    type ko kasing nagbabasa while watching movies, adik lang! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! nako napakarami. lalo sa english films.

      galing mo naman mag multi-task.. reading and watching.. san ka pa?!

      Delete
  5. hehe para dito.....sama-samang pumasok sa x-rated section at dun sila lalong nag-iingay sa lakas ng tawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at talagang ung may x-rated part ang binigyan mo ng comment ah. haha!

      Delete
  6. ano uniform nyo bat alang picture LOL.

    Basta ako mahilig din sa tagalog movie. Inaabangan ko yung kay Lloydie tsaka Angel LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. kelangan may uniform pictorial? wag naaa.. haha!

      Delete
  7. x-rated section? alam na!!

    ikaw na talaga ang apple of the eyes ng mga inyakis.... hahaha!!

    ReplyDelete

keep it friendly :)