Minsan

it's the 16th of the first month of the year. gusto kong magsulat pero walang maisip sa mga oras na toh. sana maya-maya may pumasok na sa utak ko.

(makalipas ang ilang minuto)

ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?

gusto kong magbigay ng halimbawa sa sarili kong buhay kahit medyo alangan ako. alangan dahil personal na masyado. pero ayos lang para magampanan ng personal blog ko ang purpose nya sa buhay.

halos tatlong dekada na akong nabubuhay at sa loob ng maraming taon, marami na rin nabuong pagsasamahan, pagkakaibigan, at pagmamahalan (naks). punong-puno ng tawa, saya, alkohol, karaoke, chibugan, lihim, luha, murahan, at problema ang naging kwento ng barkada. umandar ang buhay habang sama sama at lumago ang samahan. tumibay ang kapit sa isa't isa. lumaki ang tiwala. nasa kasagsagan ang pagkakaibigan. masaya lahat kahit may problema kasi may karamay.

pero patuloy ang pag andar ng buhay. dumami ang responsibilidad ng bawat isa, pero tila kumonti ang oras sa isang araw, isang buwan, isang taon. nagbago ang ihip ng hangin. naging mas malamig. naging tahimik ang bawat gabi. paunti-unting humina ang tawanan, lumungkot, kumonti ang bote ng alkohol, nasira ang karaoke machine, naubusan ng pulutan, kumonti ang lihim na natutuklasan, nawala ang murahan, dumami ang problema--hanggang tatlo na lang kayong nagtititigan, dalawa na lang kayong kumakampay, at mag-isa ka na lang nagmumukmok sa kwarto mo.

habang tumatakbo ang oras, nagbabago ang paniniwala. nadadagdagan ang kaalaman. may ibang mabilis gumanda ang buhay, may ibang walang pagbabago, at may ibang pilit ibinabalik ang nakaraan hanggang yun na lang and nagiging mundo nila. di maiiwasan ang maging mahina habang ang iba'y palakas ng palakas. magbabago na ang pananaw tungkol sa isa't isa. mag-iiba ang opinyon tungkol sa iba't ibang bagay. di maiwasang magkumparahan ng estado sa buhay. magkaka-inggitan, magkaka-inisan. hiwalayan ang hantungan.

ang dating barkada mo na walang pwedeng tumibag sa tibay ng kapit, ay guguho din pala.

ang hirap talaga kapag hindi sang-ayon ang paniniwala mo sa paniniwala ng iba. laging may hindi pagkakasunduan. maaring lagi rin may alitan. o kung wala namang gulo ay may iwasan na lang na magaganap. pwede rin na magkahiwalay-hiwalay na lang ng landas ang iba't ibang panig para wala nang halong drama. gulo man o iwasan, di pa rin maganda ang ending. magulo ba tong sinasabi ko o maingay?

17 comments:

  1. ganda nang pagkasulat moh ahh... essay ang dating!...namiss koh yang e-heads ahh.. obvious na magkasing age lang tau noh.. haha.. nd uhmm... hmmm... ayon nah 'un.. oo nga nagbabago ang lahat... pero andon atah akoh sa part nah alam moh 'un... nagbago nah pero pilit kong binabalik 'ung nakaraan... like sa isang kaibigan... prang tryin' to gain that person back dahil naging maganda 'ung nkaraan nyo at naging very special part sya nagn buhay moh.. somethin' like dat.. 'un nah 'un.. laterz sis! Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit kelan magulo ka talaga mag comment, but aylabittt!! hahaha! wag mo na ipilit ang nakaraan. kusang mangyayari kung mangyayari talaga.

      Delete
  2. remember this song way back highschool. ito at ito talaga ang kanta ng barkada namin and blessed i still have them until now after almost 15 years of friendship!!

    ReplyDelete
  3. ang hirap sa pagkakaibigan, hindi mo maeexpect na they will stay, friends come and go ika nga. Napatunayan ko na totoo yon. Kaya moments are precious, pag tapos na ang lahat, ang alaala ng pinagsamahan nalang ang dala natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga minsan naging kaibigan natin sila. hehehe hello malanding rah lol

      Delete
    2. LOL! natawa ko dito ah. kala ko pa naman uber reserved tong si rah. malandi pala. sows!

      Delete
  4. Sadya atang ganun sa buhay, lahat nagbabago...pero sure ako may dahilan kung bakit nangyari ang lahat. di mo man makita ang rason sa ngayon, tiyak sa susunod na araw maliliwanagan ka rin :)

    Namiss ko dito, at sa lahat ng kadaldalan ko sa blogosphere :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din namiss ko na ung ibang nakasabayan ko. sana bumalik sila tulad ko.

      Delete
  5. aw s0 meaningful and s0 lalim at saka s0 inspirational pow. nice post here pow. keep up the good work and good post here.

    ReplyDelete
  6. sa pangyayari sa MINSAN.......sa kasalukuyan ay ALAALA na lang dahil ang minsan ay minsan hindi na nauulit o nangyayari..........

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas malalim pa pinaghuhugutan ng comment mo kesa sa post ko ah. haha!

      Delete
  7. medyo nasa state din kami ng ganito ng mga tropa ko ngayong college napagiwanan na ko, di na nagkikita kita, yung dating walang araw na di magkakasama napalitan na ng halos wala na talagang balita sa isat isat. haay mahirap pero gusto ko pa ring maniwala na di basta basta nawawala ang pagkakaibigan ang pinagsamahan ng di pagkakaunawaan.

    ReplyDelete
  8. yeah 'un nga sabi saken.. parang pinagpipilitan koh sarili koh.. para akong kawawa...yeah kahit kelan magulo akoh sa earth kausap... lolz... aymis u den friend... i'm glad 'ur back... hanggan sa muli... mwahugz! Godbless!

    ReplyDelete
  9. ganyan nga ang pakiramdam,lalo na ng mga kagaya kong OFW (sori hindi kita isinali dito). na sa bawat pagbalik sa pinas, umaaasam na makasama ang mga barkadang kung makapaginuman, makapagkantahan at makapaggaguhan ay parang wala nang bukas!

    pero sa paguwi mo, kanya kanyang pansariling dahilan kung bakit sila di makakasama.. "next time" pero hindi nila alam na naghahabol ka din ng oras, gusto mo lang naman ay makasama silang muli at makabonding.. "gaya ng dati".. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. biglang nag-emo moment ah. wag na sad. hehe.
      tara uwi ulit tayo!

      Delete

keep it friendly :)