2013 Happy New Year

last year sinarado ko ang blog kong My Orange Vest, na naisagawa noong taong 2009 alala nyo un? hindi na siguro. binura na ng nakaraan.. tagal din pala nun. anyway, bakit ko nga ba sinarado un? hindi ko rin alam eh. siguro pakiramdam ko lang nung mga panahon na yun eh kelangan ko lang talaga ng pagbabago.. o siguro naman sobrang bored lang ako nun. ewan.

pero pagkatapos kong isarado yun.. nagbukas ako ng panibago at etong blog na 'to ang naging resulta. gusto ko sya.. simple. hindi magulo. chill lang. sadyang mabilis lang talaga tumakbo ang panahon. parang may karera lagi sa sobrang bilis. 1st birthday ng blog na 'to, kaya Happy Birthday! dahil sakin ka nanggaling, ako syempre dapat ang unang babati sa'yo. sana tumagal pa 'to ng maraming maraming taon. as in marami. sana din madagdagan ang followers nito. sa ngayon dalawa pa lang sila.. tatlo kasi naawa ako sa blog ko kaya nag-follow na din ako (hindi krimen sundan ang sariling blog) haha. dati kasi sa My Orange Vest meron din akong follow chu-chu. di ko alam bakit hindi ko nilagyan 'tong blog na 'to nung ginawa ko last year. engot lang. anyway, tatatlo nga lang kasi kakalagay ko lang ulit a few days ago. todo explanation ako, bakit ba?


Highlights of my 2012:

  • passed all the required tests for my teaching credential
  • received my teaching license (chaching!!)
  • got a new teaching job - now currently teaching a 4th grade class..and i'm also the teacher in the computer lab for now (boss status!!) 
  • met new incredible people
  • survived another 365 days

super cool lang mga highlights ng 2012 ko, pero hindi ibig sabihin na hindi ako dumaan sa mga matinding pagsubok.. roller coaster ride ang 2012 para sakin--both physically and emotionally. physically kasi lagi akong nahahawa sa sipon ng mga estudyante ko. ngayon medyo immuned na. emotionally kasi marami din nangyaring hindi kanais nais sa buhay ko. ganunpaman, i'm 365 days older and 365 days wiser. 

Goals and Objectives
  • stay positive, as difficult as it may be
  • keep spreading more love
  • heal wounds (naks may ganitong effect? arte.)

nag back-read ako ng mga January 1st posts ko dun sa My Orange Vest. komedi lang ang dating. dami ko rin palang bitter posts nung mga nakaraang taon. kaartehan. ganon. 

ang dami kong sinabi, eto lang naman talaga gusto kong iparating..

in the name of chikletz, i declare everyone to have a fantastic 2013!!!

31 comments:

  1. Hahaha! Gusto ko yung "survived 365 days." Simple pero andun na lahat.

    Happy new year po! :)

    ReplyDelete
  2. wow isang teacher! sasamahan kita sa buong taon, im here to watch ur updates and everrrryyytthiingg to the highest level with action pa ang pagkasabi ko nyan if nakaharap mo ako! lol ganyan!! welcome 2013 and welcome back sa pagbblog! cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay gusto ko ang energy mo, ate! sige sana matupad ang mga updates na sinasabi mo and everrrrryyyytthiingg! lol! cheers!

      Delete
  3. happy new year at happy birthday sa blog mo!=) ayan 5 na tayong followers. more followers to come=)

    ReplyDelete
  4. we dont need more followers naman to express... bonus lang siya pero hindi sukatan...

    sana sa taong ito, mas madalas at mas marami kang posts...

    try to focus sa healing the wounds para mas maka-relate ang marami... especially ako...

    tuloy pa rin tayo sa deal natin about honest feedback ha?

    for this post, sana mas detailed at wordy ang mga blessings for this year...lol... sana may pics din especially ng mga cute students m...hihihi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakataba lang ng puso pag alam mong may sumusubaybay sayo.. un lang naman.. hehe.

      sana nga hindi ako tamarin much.

      at sa pag heal ng wounds..hmm. cge i'll try to focus on that para sayo! haha!

      mahilig ka mag request ng pics noh? pansin ko lang.

      honesty is the best policy. lol.

      Delete
    2. ang lakas lang makapedophile ng "sana may pics din especially ng mga cute students"... hahaha.. ;)) lol

      pero katulad din ng nabangit ni ginoong senyor, aabangan ko rin yung mala mataray version posts mo at ang healing the wounds churvalu.

      Delete
  5. HAPPY NEW YEAR din!! :D

    ako ang pang-anim mong follower at ako rin ang pang-anim na comment ng post na to. panalo rin ako! yay! haha :D

    okay lang yang follower chuchu na yan te... mas kalunos lunos naman ako e. haha :D di nalang ako nageexpect para di masakit haha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. panalo ka nga din! congrats satin. haha!

      Delete
  6. hi maam, napadaan lang. nice blog. :) daming achievements for 2012 ah. worth mentioning don ung meeting incredible people sabi mo. tama ka dun. nagiging mas nakikilala natin sarili natin pag marami tayong namemeet na ibang tao. :) keep on molding young minds as the rewards are priceless. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sa pagdaan kuya earl. sana lagi kang dumaan dito. hehe.

      Delete
  7. Happy new year! Nakakatuwa ang linis ng blog mo. Ang dumi dumi kasi nung sakin. HAHAH!

    Siguro naman alam mo kung pano ko to nahanap. :)

    Ayun, congrats sa lahat ng achievement mo nung nakaraang taon!:) At sana mabeat sya ng mga maaachieve mo this year! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yehey! Thank you, Pao! i think alam ko kung pano.. Hehe.

      Delete
  8. happy new year .. new follower here!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you, kulapitot! nakakakiliti naman sa tenga ang name mo.. playful. ganon. hehe.

      Delete
  9. Happy Birthday sa blog mo na'to. Good luck sa goals mo this year. Be positive tayo. Thanks pala sa pagcorrect ng typo ko. hehe.

    Happy New year!

    ReplyDelete
  10. Hi chikletz! its okay if we only have few followers. Blogging naman is just a snapshot in time of our lives. Ang mahalaga masaya tayo in real life. I hope you achieve all your goals and objectives. Happy new year to us!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you, thank you! sana nga maachieve and goals this year! happy new year!

      Delete
  11. Maligayang kaarawan sa blog na ito. Nice meeting you Ms. Chikletz. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice meeting you too, Anthony! Ms. Chikletz talaga? naks! hehe..

      Delete
  12. teacher teacher hehe congrats and hny~!
    stay happy^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you, Unni! san na blog mo? hinahanap ko eh.. di ko makita..

      Delete
  13. huwaw! Pareha pala tayo ng blog anniversary....cheers to blogging! Happy blogging satin!....:) Happy new year!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello, grah! happy blogging and happy new year din! happy birthday din sa blog mo! happy much? lol!

      Delete
  14. happy blogversary. ako kaya kelan ako mag wa wanyear ;-( nakalimutan ko kasi last 2009 pa yun tapos lately lang ako nagsimula. sana nalng pala nag buka nalng ako ng bago gaya mo. anyways, kahit me mala rollercoaster ang life, positive parin ;-)

    ReplyDelete
  15. thank you Phioxee! same to you! ipagpatuloy mo lang ang pag popost :)

    ReplyDelete

keep it friendly :)