Random #3

bangag lang sa unang araw sa trabaho pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. yung mga bata bangag din. siguro pare-pareho kaming hindi nakatulog kagabi. literal na 30 minutes lang yata ang tulog ko--from 5:30am-6:00am. active much lang ang utak ko. ganon. tapos ngayon mag-aalas-dose na ng gabi hindi pa rin ako inaantok much kahit walang tulog. insomnia lang ang trip. hirap bumalik ulit sa flow pagkatapos ng bakasyon. sobrang pagod na pagod ako buong araw sa trabaho kanina. buti na lang hindi masyadong pasaway mga estudyante ko kaninang umaga. nag behave ng slight. kakaibang aura.

hindi ako nakapagsimba nung linggo. hindi kasi ako makakilos sa kama ko sa sobrang lamig nung umaga. pero nung sabado dumaan ako sa simbahan. ang simbahan dito (pansin ko lang ah), pag walang misa, wala talagang tao.. well, siguro mga 2 o 3. i'm saying that from experience. pag pumapasok kasi ako sa church tapos walang misa..laging 2 o 3 lang kaming andun. anyway, hindi naman ako masyadong religious na tao pero minsan pag kailangan ko ng katahimikan sa buhay, pupunta ako sa church. dun ako tumatambay. solo flight. uupo lang. titingin tingin sa paligid. maya maya magdadasal na. madalas nga hindi ko alam kung pano kausapin si God eh. hindi ko alam kung matino ang pagpapasalamat ko at paghingi ko ng tawad. feeling ko paulit-ulit lagi ung sinasabi ko. madalas iniisip ko baka isipin ni God na hindi ako seryoso pag kinakausap ko sya. ewan. yung iba kasi diba talagang taimtim magdasal.. mas pinapakinggan ba ni God pag ganun? curious lang..

this is my chance.. dinadapuan na ko ng antok. gusto ko pa sana mag post ng ibang ka-randoman, pero kelangan i-take advantage ko na 'toh para bumalik na yung normal sleeping pattern ko.

6 comments:

  1. Pinaalala mo na kelangan kong bumili ulet ng Sleepasil.

    ReplyDelete
  2. putol ba?

    hey God knows what we want even before we ask for it... ganun... maganda ang moment of silence sa bahay ni papa Jes...

    ReplyDelete
  3. maski ako hirap din kumuha ng antok...at dadalaw sy kung kelan mag uumpisa na ng shift ko ang labo lng diba...

    ReplyDelete
  4. ganyan din feeling ko nung after bakasyon,,,
    gusto kong matulog na dahil may trabaho kinabukasan pero ang aktib ng utak ko hehe

    hi chiki~!

    ReplyDelete
  5. nakalimutan ko na nga na nagaaral ako sa sobrang haba ng bekasyon! haha ok yan kapag inaantok na, grab na kagad para makapagpahinga.

    matagal ko ng hindi nagawa ang dumalaw sa simbahan na mag-isa, at naremind mo ako hehehe yan ang goal ko this week. happy sunday chikz!

    ReplyDelete
  6. Malaking problema rin sa akin ang sleeping pattern. Makes me wanna consider taking Sleepasil.

    ReplyDelete

keep it friendly :)